Nasa 267 designated firecracker zone ang tinukoy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa buong Metro Manila.
Batay sa talaan na inilabas ng NCRPO mayroong 62 designated firecracker zone sa area ng Northern Police District (NPD) kung saan sa area ng Caloocan Police Station ang may 32 Barangays na firecracker zone at community fireworks display zone, ang Malabon Police Station ay nasa 21 sa Navotas City Police Station isa lamang habang ang Valenzuela City Police Station ay sa Bagumbayan North lamang.
Sa area ng Eastern Police District (EPD) mayroong siyam na lugar na itinalagang Firecracker Zone, sa Mandaluyong City Police Station ay anim, habang walang designated firecracker zone at community fireworks sa area ng Pasig City Police Station, Marikina City Police Station at San Juan City Police Station.
Sa Manila Police District (MPD) 52, nasa 11 firecracker zone sa Police Station 1; dalawa sa Police Station 2; apat sa Police Station 3; lima sa Police Station 5; tatlo sa Police Station 6; dalawa sa Police Station 7; apat sa Police Station 8; 14 sa Police Station 9; tatlo sa Police station 10 at isa sa Police Station 11.
Sa Southern Police District (SPD) 13, sa area ng Pasay City Police Station nasa 11 lugar ang tinukoy na area of designated firecracker zone; Makati City Police Station ay dalawa, wala naman sa area ng Paranaque City Police Stations, Las Pinas CPS, Muntinlupa CPS, Pateros MPS at ang Taguig CPS ay hindi pa nakapag sumite ng kanilang listahan.
Ang area ng Quezon City Police District ay mayroong 131 firecracker and community fireworks display zone.
Sa La Loma Police Station-1 apat ang lugar na tinukoy na firecracker zone; isa sa area ng Masambong Police Station-2; Novaliches 14; Fairview PS-5 nasa 18; siyam sa Cubao PS-7; nasa 19 naman sa area ng Project 4 PS-8; nasa 21 naman sa Anonas PS-9; Kamuning PS-10 nasa 30; isa sa Galas PS-11 habang walang firecracker zone sa area ng Eastwood PS-12.
Samantala, nagbabala naman ang PNP sa mga pulis na magpapaputok ng kanilang armas mamayang gabi bilang pagsalubong sa bagong taon.
Ayon kay NCRPO chief Police Director Oscar Albayalde, mananagot ang mga pulis na susuway sa kanilang direktiba.
Hindi binusalan ng PNP ang mga baril ng pulis ngayong taon.
Tiniyak ni Albayalde na naka deploy na ngayon ang lahat ng pulis sa kanilang mga designated areas lalo na sa mga lugar na kanilang tinukoy na mga critical areas ibig sabihin ang mga nasabing lugar ay may mga kaso ng krimen at stray bullet incidents nuong nakaraang taon.