Mabilis na nainilikas ng Philippine Coast Guard (PCG) Bohol ang halos tatlong daang pasahero matapos sumadsad ang MV Fast Cat N20 sa karagatan ng Tubigon Bohol kanenang umaga.
Maliban sa 289 na pasahero, may sakay ring 47 na crew at 35 na rolling cargoes ang naturang barko.
Ayon pa kay PCG POI Leonardo Ecos II na galing sa Pier 3 sa Cebu City ang nasabing passenger vessel at dadaong sana sa Port of Tubigon subalit sumadsad ito sa mababaw na bahagi ng karagatan.
Agad namang nagtulongan ang mga personnels ng PCG-Tubigon sub station at Tubigon LGU personnels para sa ligtas na paglikas ng mga pasahero at crew.
Dagdag pani Ecos na sa isinagawang inspeksyon, wala namang butas ang nasabing fastcraft at wala ring naganap na oil spill.
Sa kasalukuyan karamihan sa mga pasahero ay naka-uwi na matapos kinunan ng impormasyon at contact numbers ng PCG.
Matapos ang insidente agad na kinansela ang mga byahe sa Fastcat Cebu to Tubigon habang patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.