-- Advertisements --
Halos 300 pasahero ang nailigtas sa nasunog na ferry sa Indonesia.
Patungo ang KM Karya Ferry sa Samama, northeast Indonesia ng ito ay masunog.
Agad na tumalon sa tubig ang mga pasahero matapos ang nangyaring sunog.
Ayon kay Muhammad Arafah ang namumuno ng local search and rescue na mayroong 275 katao kung saan isa lamang ang hindi nakikita.
Ikinulong na ang ilang mga crew members at iniimbestigahan na ang mga ito sa nangyaring sunog.