-- Advertisements --

Nakatakas ang 281 na preso dahil sa malawakang pagbaha sa Northeastern Nigeria.

Ayon kay Umar Abubakar, ang tagapagsalita ng Nigeria Correctional Service, na kanilang naaresto ang pito sa mga tumakas na inmates.

Sinamantala ng mga inmates matapos magiba ang pader ng correctional facilities dahil sa malawakang pagbaha.

Nasira rin ang Medium Security Custodial Center at maging ang staff quarters ng lungsod.

Nagpapatuloy ang ginagawang pag-aresto ng mga otoridad sa mga nakatakas na inmates.

Ang ilang araw na walang tigil na pag-ulan ay siyang nagdulot ng malawakang pagbaha kung saan mayroon ng mahigit 30 katao na ang nasawi.