Habang nagsusumikap na tugunan ang nagpapatuloy na
public health crisis dulot ng COVID-19 pandemic, patuloy na inaabot ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga kababayan na nangangailangan ng tulong sanhi ng crisis situations.
Binisita ni Go ang lalawigan ng Batangas para maghatid ng ayuda sa halos 3,000 pamilya na naapektuhan ng Super Typhoon Rolly.
Ginawa ni Go ang distribution activities sa Batangas City at sa munisipalidad ng Lobo.
Siniguro naman ng senador at ng kanyang team na nasusunod ang panuntunan sa health at safety protocols para maiwasan ang lalo pang paglaganap ng COVID-19.
“Patuloy po akong umiikot para makapagbigay ng konting tulong at mag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati. Nais po naming iparamdam sa inyo na nandito ang inyong gobyerno na nagmamalasakit sa bawat Pilipino at handang maglingkod sa inyong lahat,” sabi ni Go.
Pinangunahan ni Go ang pamamahagi ng pagkain, food packs, masks, face shield at vitamins sa 1,199 families mula sa tatlong Barangays sa Batangas City sa City Coliseum.
Kaparehong ayuda ang ipinagkaloob naman sa 1,774 families mula sa seventeen barangays ng municipality of Lobo sa distribution activity na ginanap sa kanilang Municipal Gymnasium sa araw din na iyon.
Piling mga benepisyaryo naman ang nabigyan ng tablets para makatulong sa kanilang mga anak sa paglahok sa blended learning na ipinatutupad sa mga eskuwelahan.
Nangako naman si Go na magpapadala ng mas marami pang tablets sa mga estudyante na nasira ang laptops at learning devices dahil sa bagyo.
“Pakiusap ko lang po sa mga kabataan na mag-aral kayong mabuti dahil kaming mga magulang nagpapakamatay po para lang mapag-aral kayo. Kasiyahan na po ng mga magulang na makita ang mga anak nakapagtapos. At edukasyon po ang puhunan natin sa mundong ito,” Sabi ni Go.
Karamihan din sa mga benepisyaryo ay nakatanggap ng bisikleta na magagamit nila sa pagpasok sa trabaho sa harap nang limitadong Public transportation dahil sa pandemic.
Samantala, naroon din sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development para mamahagi ng hiwalay na financial assistance at food packs.
Ang Philippine Charity Sweepstakes Office naman ay namahagi ng basic medicines at food packs.
Nagsagawa naman ang
Department of Trade and Industry ng assessment at validation sa mga beneficiaries na maaring ma-qualify sa kanilang existing livelihood start-up and training programs.
Ang National Housing Authority ay nangako naman na tutulungan ang mga benepisyaryo na muling maitayo ang kanilang bahay.
Sumailalim sa validation at assessment ang mga benepisyaryo para ma-qualify sa
emergency housing assistance.
Pinapurihan naman ni Go ang gobyerno sa pagsusumikap na protektahan ang buhay ng mga Filipino sa gitna ng pananalasa ng bagyo.
“Kuntento po ako dahil sa tulong ng ating LGUs na talagang naghanda sila bago dumating pa ‘yung bagyo. ‘Yung mga evacuation sites nila, ‘yung preemptive evacuation nila na ginawa para po sa ating mga kababayan. I commend them,” sabi ni Go.
“Nandirito rin ang national government agencies na inatasan po ni Pangulong Duterte na magresponde, agad na tumugon, at tulungang makabangon muli and restore normalcy sa bawat probinsya sa bawat munisipyo,”dagdag pa nito.
Nagbigay din ng grado na eight over ten si Go sa government’s disaster preparation and response sabay sabi na palaging may tsansa para paghusayan pa ang pagtugon sa sakuna.
“Importante sa akin walang nasaktan, ‘yon po ang pinakaimportante dahil prayoridad natin ang maprotektahan ang buhay ng bawat tao,” sabi niya.
Inulit din nito ang panawagan sa pagbuo ng Department of Disaster Resilience saying that while current mechanisms are in place, policy makers must be open to improving these further to ensure that the government becomes more responsive to the changing times.
“Isang aspeto na dapat natin mas maisaayos pa ay ang inter-agency coordination. Ito ang dahilan kung bakit matagal ko nang inirerekomenda at paulit-ulit ko nang sinasabi na dapat magkaroon ng isang departamento na may secretary-level na in-charge para mayroong timon na tagapamahala ng preparedness, response, and resilience measures pagdating sa ganitong mga krisis at sakuna,” giit ni Go.
Aniya, ang naturang panukala ay maglalatag ng malinaw na chain of command, more responsive mechanisms at more holistic, proactive approach sa pagtugon sa crisis situations sa bansa kung saan ang natural disasters ay isa na lamang “normal occurrences.”