Nasa 339 Police Medics ang nakatakdang ideploy ng PNP sa ibat- ibang hospital.
Ang hakbang na ito ng PNP ay para makatulong sa mga medical frontliners matapos humiling ng time-out dahil sa walang humpay na paglobo ng Covid-19 cases.
Ang mga nasabing police medics ay mga nakapagtapos ng medical course.
Ayon kay PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa inatasan niya si PNP Deputy chief for Administration Lt Gen. Camilo Pancratius Cascolan na gumawa ng hakbang para makatulong sa panawagan ng Pang Rodrigo Duterte.
Sinabi naman ni Cascolan ang mga police medics tutulong sa mga healthworker na gamutin ang mga Covid patients.
Ang mga nasabing mga pulis ay hindi pa nagpa-function bilang Medical Technologist kaya sila ay magiging karagdagan sa PNP Medical Corps.
Ang mga MedTech cop ay bibigyan muna ng briefings sa ilalim ng Healh Services bago isalang sa iba’t-ibang ospital.
Bukod sa nasabing bilang, patuloy pang kino-consolidate ni Cascolan ang information data sheet o 201 file ng kanilang mga tauhan mula sa patrolman pataas upang matukoy kung sino ang may background sa medisina at health care.
Kahapon inatasan ni Gamboa si Cascolan bilang komander ng Admin Support to COVID-19 Operations Task Force na re-evaluate ang medic personnel gayundin ang paghahanap sa mga tauhang may background sa medisina para tulungan ang mga health worker.
Samantala, buhos ang presensiya ng mga pulis sa mga itinalagang mga quarantine control points.
Layon nito para i-regulate ang pagpasok at paglabas ng mga tao lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ngayon ng modified enhanced community quarantine (MECQ).