-- Advertisements --

LAOAG CITY – Halos 35 milyon na residente ng Afghanistan, nais lumikas dahil sa Taliban

Inihayag ni Mr. Maroof Malekyar, Afghan national na nagtratrabaho sa embahada ng Netherlands sa Afghanistan na karamihan sa 35 milyon na residente ay gustong makaalis sa nasabing bansa.

Samantala, ipinaalam nito na hirap silang makaalis dahil sa kawalan ng passport.

Dagdag nito na mahigpit ang pagbabantay ng Taliban kung saan halos lahat ng mga establisyimento at kalsada ay nakasara.

Aniya, walang kasiguradon ang kanilang buhay ngayon sa Afghanistan lalo na sa mga hindi makakaabot sa huling araw ng evacuation.

Inihayag nito na humingi na sila ng tulong sa UN at UNICEF para matulungan ang karamihan sa mga afghans na hindi makasali sa evacuation.

Una rito, sinabi ni Malekyar na halos lahat ng galaw nila ay nabanbantayan ng Taliban dahil sa araw-araw na pagbisita nito sa bawat tahanan.

Kaugnay nito, inihayag ni Malekyar na kahit pa nangako ang Taliban na magkakaroon ng kapayapaan sa ilalim ng kanilang panunungkulan, mananatiling may pangamba sa mga Afghans.