-- Advertisements --

Itinakbo sa pagamutan ang nasa 3,500 na guro at mag-aaral matapos na mabiktima ng food poisoining sa Japan.

Galing sa 15 elementary at middle school sa Yashio City, Japan ang mga biktima na nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at abnormal na pagdudumi.

Galing umano ang pagkain sa TQC cooperative na kinain ng mga biktima na pawang mga fried chicken, tuna/ potato dish at seaweed salad ganun din ang kanin at miso soup.

Ayon sa Saitama prefecture, na mayroong kabuuang 7,000 katao ang kanilang sinuri kung saan mahigit 2,000 elementary school students at mahigit 1,100 middle school students ang nakitaan ng pagkalason.

Mahigpit ng iniimbestigahan ng mga otoridad ang nasabing nangyaring outbreak.