Pumalo na sa 376,959 indibidwal ang naitalang lumabag sa mga local ordinances sa Metro Manila, simula ng ito ay ipatupad nuong June 13, 2018 hanggang alas-5:00 ng umaga ng October 14,2018.
Sa datos na inilabas ni NCRPO chief PDir. Guillermo Eleazar, umakyat na sa 17,807 katao ang nahuli ng mga pulis dahil sa pag-inom ng alak sa mga public places. Smoking ban – 117,144
Half naked – 26,068
Minors violating curfew hours – 25, 129
Other ordinances – 190, 811
Ang Quezon City Police District (QCPD) ang may pinaka maraming nahuling violators na pumalo sa 215,000.
Sinundan ng Eastern Police District (EPD) na may 81,120 at Manila Police District (MPD) na may 34,846 arrested violators.
Ayon kay Eleazar nasa 263,519 violators ang binigyan ng warning o babala ng mga pulis.
Nasa 68,467 violators naman ang pinagmulta habang nasa 44,973 ang sinampahan ng kaso ng PNP pero nasa 19 lamang ang nananatili sa kustodiya ng mga pulis.