Aaqbot na sa kabuuang 2,973 indibidwal ang inaresto matapos na lumabag sa umiiral na election gun ban ayon sa latest data mula sa philippine National Police (PNP).
Sa naturang bilang, nasa 2,890 ang nahuling mga sibilyan, 49 security guards, 17 police officers at 17 military personnel.
Resulta ito ng isinagawang 2,850 police operations kung saan nasamsam ang nasa 2,264 firearms, 11,985 na iba’t ibang uri ngbala at 1,086 deadly weapons.
Nakapagtala ang PNP ng pinakamaraming violators mula sa limang rehiyon sa bansa. Sa National Capital region nasa 1,114 ang naarestong violators ng election gun ban, sinundan ito ng Calabarzon (329), Central Visayas (313), Central Luzon (273) at Western Visayas (183).
Muling pinapaalalahanan ang publiko salig sa Commission on elections (Comelec )Resolution 10728 na maaaring makulong ng hindi bababa sa isang taon subalit hindi hihigit sa anim na taon at subject para sa probation ang mga lalabag sa umiiral na election gun ban sa bansa.