-- Advertisements --
image 153

Iniulat ng Office of the Civil Defense (OCD) na nasa mahigit 2,900 pamilya ang apektado kasunod ng tumamang 5.9 na lindol sa Davao de Oro noong Marso 7.

Ayon kay OCD Joint Information Center head Diego Agustin Mariano na nasa mahigit 60 residente ang nasugatan sa pagyanig at nasa 1,800 pamilya ang inilikas sa mga evacuation center.

Iniulat din ng opisyal na sumampa na sa P42 million ang halaga ng danyos na iniwan ng lindol at mayroong walong kalsada ang hindi pa madaanan.

Nakaranas din ng power interruption ang Davao de Oro subalit ito ay agad namang naibalik.

Samantala, nakapagpaabot na rin ng nasa P6.243 million halga ng assistance gaya ng family food packs, tents at sleeping kits para sa mga apektadong residente ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Una rito, niyanig ang Davao de Oro noong araw ng Martes kung saan naitala ang episentro 8 kilometers timog-silangan ng bayan ng New Bataan na may lalim na 10 kilometro.

Bunsod ng mga nararanasang lindol sa bansa, muling hinimok ng OCD ang publiko na makibahagi sa unang quarter ng national simultaneous earthquake drills na isinagawa nitong araw na makakatulong ng malaki para makaligtas at minimal lamang ang maitalang injuries at mabawasan ang casualties.