Kabuuang 4,422 na mga empleyado ng pamahalaan ang naserbisyuhan ng libreng sakay ng Light Rail Transit Authority (LRTA) Line 2, mula September 18 hanggang 20, 2023.
Ito ay kasabay ng pakikiisa ng naturang opisina sa pagdiriwang ng ika-123rd Phil Civil Service Anniversary.
Unang binuksan ito noong nakaraang Lunes, Setyembre 18, kung saan umabot sa 1,120 ang agad na nakinabang sa libreng sakay.
Sa kabuuan ng libre-sakay, binubuksan ito mula 7AM hanggang 9AM at mula 5PM hanggang 7PM.
Maalalang sinabi ni LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera, na ang libreng sakay program ay bahagi ng pagkilala at pasasalamat ng DOTr sa sakripisyo at dedikasyon sa serbisyo ng mga kawani ng pamahalaan.
Ang buwan ng Setyembre ay ang buwan ng pagkakatatag ng Civil Service Commission.