-- Advertisements --
Nasa 3, 700 katao sa Sweden ang nakatanggap ng maling resulta mula sa kanilang COVID-19 testing kit.
Sinabi ni Karin Tegmark Wisell, ang namumuno sa microbiology department, na ang mga testing kit ay galing sa China.
Isang uri ng BGI Genomics na kayang makita sa pagitan ng very low levels ng virus at negaitve result.
Ang nasabing test kit ay ibinebenta sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Nakakuha ito ng emergency use authorization mula sa US authorities noong Marso at Emergency Use Listing mula sa World Health Organization noong Mayo.