-- Advertisements --
Nasa mahigit 3,600 na mga residente ng Navotas City ang naaresto dahil sa paglabag sa ipinapatupad na 14-day lockdown.
Karamihan sa mga dito ay mga may edad na at halos 200 naman ay mga kabataan.
Nilabag ng mga ito ang hindi pagsuot ng face mask, curfew at hindi pagsunod sa physical distancing.
Pinagmulta ito sa unang paglabag ng P250 at walong oras na community service habang ang mga nakadalawang beses na lumabag ay pinag community service ng 11 na oras.
Nasa P750 ang multa at isang araw na community service sa ikatlong beses mayroong P1,000 hanggang P3,000 na multa sa mga lalabag sa ibang protocols.
Inilagay noong Hulyo 16 ang Navotas City sa total lockdown matapos na magtala ng mahigit na 600 na kaso ng COVID-19 cases sa lugar.