CAGAYAN DE ORO CITY – Agad sa isasailalim ng medical procedure ang nasa halos apat na libong mga sundalo na nagmula sa limang dibisyon ng Philippine Army na tumulong sa local government units na apektado ng mga pagbaha dahil sa bagyong Kristine.
Tinukoy ni Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala ang pagbigay ng atensyong medikal ng kanilang mga sundalo na lumusong sa mga tubig-baha para iligtas ang mga sibilyan na na-stranded epekto ng mga pagbaha sa particular sa rehiyon ng Bicol at ibang bahagi ng Luzon.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Dema-ala na mula sa 2nd hanggang 9th Infantry Divisions ang nagtulong-tulong para sa mabilisang responde ng mga residente na nangangailangan ng tulong mula sa matinding kalamidad.
Sinabi ng opisyal maliban sa mabigyang proteksyon ang mga sundalo kontra sakit na leptospirosis mula sa dumi ng mga daga ay sasailalim rin ang mga ito sa stress debriefing dahil sa malubhang karanasan nila na kinaharap ang matinding panganib ng trahedya makatulong sa mga sibilyan.
Magugunitang dahil sa matinding pagtama ng bagyo ay maraming lugar sa Luzon provinces ang sumailalim ng state of calamity declarations maliban sa mga tulong na nagmula sa national government para sa kanilang mga kababayan.