-- Advertisements --
File Photo Athletes Palarong Pambansa 2019

DAVAO CITY – Nakapagtala na ng 37 atleta na nabigyan ng medical assistance mula sa unang araw ng 2019 Palarong Pambansa sa Davao City-University of the Philippines (UP) Sports Complex Mintal.

Ayon kay Department of Education (DepEd)-Davao spokesperson Jenielito Atillo, ang mga nasabing atleta ay agad na dinala sa medical service vehicle sa Davao City Central Communications and Emergency Response Center at Central 911 na nakaposisyon sa mga venue.

Nasa stable naman ang kondisyon ng mga nabigyan ng medical assistance.

Una nang nagpasalamat si Atillo dahil sa agarang pagresponde ng medical team para tulungan ang mga partisipante.

Inihayag din ng opisyal na karamihan sa mga tinulungang atleta ay nakaranas lamang ng minor case gaya ng pagpakahilo at exhaustion.

aKung maalala, isa sa mga isinugod sa Southern Philippines Medical Center ay ang atletang si Key Pauline Coyoca, 17-anyos na Wushu athlete sa Lanao del Norte, matapos na makaranas ito ng matinding pananakit sa kanyang balikat.

Isinailalim ito sa orthopedic evaluation at X-ray.

Samantala, tiniyak ng DepEd official na kung hindi na makapaglaro ang isang atleta, hindi na ito pipilitin dahil mas mahalaga ang kalagayan ng kalusugan.