-- Advertisements --

Umabot na sa 38 mga bansa ang nakapagatala ng Omicron coronavirus variant.

Itinuturing kasi ng World Health Organization (WHO) na ang nasabing variant ng COVID-19 ay mabilis humawa.

Pinakahuling bansa ang US at Australia na may naiulat na local transmission ng Omicron.

Nagbabala ang WHO na aabutin pa ng ilang linggo para malaman kung gaano nakakahawa ang Omicron at kung ito ay magdudulot ng matinding sakit.

Ilang linggo rin ang gugugulin para malaman kung gaano kaapektibo ang mga bakuna laban sa Omicron.