-- Advertisements --

Nasa 37 katao ang nasawi matapos ang ginawang pamamaril ng suspected Boko Haram Islamist militants sa northeastern Nigeria.

Lulan ng mga motorsiklo at pinagbabaril ang mga tao sa palengke ng Yobe at sinunog pa nila ang ilang mga kabahayan doon.

Maaring tumaas ang bilang ng mga nasawi dahil sa may ilang biktima ang nagtamo ng malubhang sugat na dinala na ang mga ito sa pagamutan.

Naniniwala si Yobe police spokesperson Dungus Abdulkarim na maaaring gumanti ang mga suspek matapos mapatay nila ang suspected Boko Haram fighters ng mga residente.