-- Advertisements --
Umabot na sa 35 katao ang kumpirmadong namatay sa Vietnam, kasunod ng pananalasa ng bagyong Yagi na dating tinawag bilang Enteng sa Pilipinas.
Bukod sa 35 kataong namatay, mayroon ding 24 katao ang nawawala dahil sa mga pagbaha at ilang insidente ng pagguho ng lupa.
Unang nag-landfall ang naturang bagyo sa China kung saan mahigit isang milyong katao ang naapektuhan at muling nag-landfall sa Vietnam.
Maliban sa mga missing at namatay, mahigit milyong kabahayan din ang nawawalan ng power supply, kasama na ang mga kumpanya.
Nawala din ang maayos na communication service, internet service, at ilan pang vital services.