-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nagtala ngayong araw ng 38 panibagong kumpirmadong kaso ng COVID 19 ang lalawigan ng Isabela.

Dahil dito umakyat na 398 ang aktibong kaso ng virus.

Naitala naman ang 35 panibagong recoveries sa Isabela.

Labing siyam ngunit nadagdagan pa ng isa ang kumpirmadong kaso sa Cabagan.

Nakapagtala naman ng walong na panibagong kaso ang Cauayan City matapos madagdagan ng dalawa; tig-aapat sa Naguillian at Santiago City, tig-dadalawa sa Gamu at San Agustin at isa sa Aurora, Isabela.

Walo sa mga nagpositibo ay non-APOR, 22 ang health worker,15 ang pulis, at 353 ang local transmission.

Dahil sa mga panibagong kaso ng virus patuloy ang paalala ng Pamahalaang Panlalawigan sa publiko na maghugas ng kamay, magsuot ng face mask, at face shield at sumunod sa social distancing para maiwasan ang pagkahawa at pagkalat ng virus.