-- Advertisements --
Nasa 38 katao ang patay sa malaking sunog sa bodega sa Icheon, South Korea.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa pagsabog ng mga flammable materials na ginagamit sa installation ng insulation sa basement.
Pawang mga construction workers ang mga nasawing biktima.
Tinatayang tataas pa ang bilang ng mga nasawi dahil may mga ibang manggagawa pa ang hindi pa nakikita.