-- Advertisements --
NAGA CITY – Mahigit 30 katao ang nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang floating restaurant sa bayan ng Camaligan, Camarines Sur.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa PCG-CamSur, nabatid na nasa 36 stranded passengers ang sakay ng isang bangka sa naturang restaurant na matatagpuan sa Bicol River na sakop ng Barangay Sto. Domingo.
Nabatid na lumuwag ang propeller sa shaft kaya nagdesisyon na si Boat Capt. Cesar Alacar Jr., na iangkla ang bangka para hindi tangayin ng malakas na agos ng tubig.
Ang floating resturant sa Camaligan ay isa sa madalas puntahan ng mga turista.