-- Advertisements --

Nasa 37 katao ang sugatan makaraang tumaob ang isang double-decker bus sa Devon sa southern England.

Ayon sa Devon and Cornwall Police, walo umano sa mga ito ang maaaring nagtamo ng malubhang injuries.

Dinala naman anila sa mga lokal na ospital ang mga biktima upang malapatan ng lunas.

Nakikipag-ugnayan din daw ang bus driver sa mga otoridad.

Idineklara naman ng South Western Ambulance Service na isang “major incident” ang pangyayari kaya kaagad silang nagpadala ng ilang mga ambulansya, atient transport vehicles, at isang air ambulance. (CNN)