Maaaring magtagal ng hanggang sa susunod na buwan ang aftershocks ng 6.1 magnitude na lindol sa Metro Manila at Central Luzon.
Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, isa sa malakas na aftershock ay 3.4 magnitude.
Sa kanilang monitoring, aabot na sa halos 400 ang mga pagyanig muna kagabi.
Habang 50 sa mga ito ay naramdaman sa Pampanga at Zambales.
Muling nanawagan si Solidum na iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi berepikadong impormasyon ukol sa lindol.
Nilinaw din ng opisyal na walang kapasidad ang ahensya na hulaan kung kailan eksaktong tatama ang pagyanig, kaya anumang prediksyon sa pagtama ng lindol ay hindi nanggaling sa Phivolcs.
Matatandaang kagabi ay kumalat ang “fake news” na nagsasabing huwag daw matulog dahil may malakas pang lindol na tatama, kasunod ng 6.1 magnitude.