Pumasok na sa pagka-pulis ang kabuuang 396 na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front.
Matapos manumpa ng mga ito ay sasabak na sila sa serbisyo bilang patrol officers ng Philippine National Police(PNP).
Ayon kay Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao education minister Mohagher Iqbal, ang pagpasok ng halos 400 na bagong mga pulis ay sinyales ng otonomiya ng pamahalaan ng BARMM.
Isa aniya ito sa mga patunay ng maayos na delivery ng serbisyo ng binuong BARMM para sa mga residente.
Nagawa aniya ng mga ito na maayos ang lahat ng isyu na bumabalot sa integration ng mga dating MILF at MNLF rebels at tuluyang makapasok sa police force.
Ang mga bagitong pulis ay kasalukuyan na ring nagsasanay sa ilalim ng PNP Regional Office ng BARMM.