-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Nasa 354 na ektarya ng Mountain Lake ang apektado ng nangyaring fish kill sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Lake Sebu Mayor Floro Gandam, halos normal na umano sa kanilang ang ganitong pangyayari dahil sa pabago-bago ang panahon na nagiging sanhi ng kakulangan ng oxygen para sa mga isda.
Ayon kay Mayor Gandam, kahit ligtas pa itong kainin ay mas minabuti na huwag na lamang.
Nabatid na tatlong barangay ay mayroong fish cages na kinabibilangan ng Macdulong, Takunel, at Poblacion.
Sa ngayon, siniguro ng alkalde ang ibibigay na tulong sa mga apektadong fish cage owners.