-- Advertisements --
covid 19 534x450 1

Natanggap na ng bansa ang nasa 400,000 na doses ng Pfizer bivalent covid-19 vaccines.

Ang nasabing mga bakuna ay donasyon mula sa gobyerno ng lithuania.

Nitong gabi ng sabado ng dumating ang nasabing mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport terminal 3.

Ito ang unang batch ng bivalent vaccine na dumating sa ating bansa.
Sinalubong ito ng mga opisyal ng department of health sa pamumuno ni DOH Asec. Leonita Gorgolon .

-- Advertisement --

Sinabi pa ni Gorgolon na ang nasabing bakuna ay magbibigay ng kumpletong immunization laban sa covid-19.

Prioridad na mabibigyan ng nasabing bakuna ang mga healthcare workers at mga senior citizens.