-- Advertisements --

Nasa 89 na pamilya o 357 na indibidwal ang napilitang lumikas sa Brgy. Hinimbangan, Kitcharao, Agusan del Norte kasunod ng pinakahuling pag-atake ng NPA sa mga sibilyan at tropa ng militar kahapon.

Sa ulat na inilabas ng 29th Infantry “Matatag” Battalion ng 401st Infantry Brigade na nagsasagawa ng bayanihan team activities sa barangay ang kanilang mga tropa nang bigla nalamang silang paputukan ng mga rebelde.

Tatlong beses umanong umatake ang mga rebeldeng NPA kung saan pinuwersa ng NPA ang lokal na paaralan na kanselahin ang klase at pinaputukan ang mga bahay ng mga sibilyan.

Dahil sa pangamba sa kanilang buhay, 89 na pamilya ang napilitang lumikas sa Municipal gymnasium ng katabing Brgy. Crossing, Kitcharao, Agusan del Norte.

Ayon Kay LTC Glenn Joy Aynera, Battalion Commander ng 29th Infantry Battalion, muli nanamang nilabag ng NPA ang Comprehensive Agreement on Respect to Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL)
na siyang tanging dokumentong nilagdaan ng GRP at ng NDF sa isinasagawang peace talks.

Saad pa ng opisyal na ang mga tropa ng militar ay nasa komunidad upang tulungan ang mga residente sa ibat-ibang socio-civic at economic projects na bahagi ng Oplan bayanihan nang maglunsad ng terrorist attack ang NPA.

Tiniyak naman ng opisyal na pagtutulungan ng AFP at PNP na maibalik ang peace and order sa naturang barangay.