-- Advertisements --

Umaabot na sa halos 400 katao ang nasawi sa Afghanistan mula ng ikontrol ng Taliban ang pamumuno sa nasabing bansa.

Ayon sa United Nations, na nakakabahala ang nasabing ginagawang pang-aabuso sa karapatan ng mga kababaihan at mga mamamahayag.

Ang nasabing bilang ay mula Agosto 2021 hanggang Pebrero kung saan 397 sibilyan ang nasawi at karamihan sa mga dito ay dahil sa serye ng pag-aatake ng Islamic State Khorasan.

Mayroon ding mahigit 50 katao ang nasawi na may kaugnayan sa extreme militant group sa parehas din na period.