Tinatayang 400 na ang mga napapatay sa nagpapatuloy na labanan sa Marawi City sa pagitan ng government forces at Maute Group.
Batay sa datos ng Armed Forces of the Philippines (AFP), 375 na ang mga napapatay bunsod ng krisis na dulot ng teroristang grupo.
Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Edgard Arevalo, isang buwan magmula nang sumiklab ang giyera, nadagdagan sa listahan ng casualties sa hanay ng pamahalaan ang dalawang sundalo na namatay sa labanan.
Aniya, sa ngayon nasa 69 na mga sundalo ang nasawi mula sa panig ng pamahalaan.
Sa panig naman ng teroristang Maute, nasa 280 na ang napatay habang 26 ang mga sibilyan na pinatay ng mga terorista.
Inihayag ni Arevalo na nasa 298 na armas ang narekober ng militar mula sa teroristang grupo.
Nasa 1,658 na mga sibilyan naman ang kanilang na-rescue.
Nasa 300 daan pang mga sibilyan ang kasalukuyang naiipit sa war zone.