-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mayroong kabuuang 393 na jail facilities sa buong bansa ang itinalaga ng Commission on Elections (COMELEC) para maging Special Polling Precints (SPP).

Layon nito ay para maka-boto ang mga persons deprived of liberty (PDL) sa nalalapit na halalan.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Jail Superintendent Jayrex Joseph Bustinera, na mayroong 31,715 na mga rehistradong PDL voters.

Mahigpit ang gagawin ding pagbabantay ng COMELEC at kapulisan sa mga itinalagan special polling precints.