Halos 400 PNP personnel ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga mula nang magsimula ang giyera kontra iligal droga ng Duterte government.
Sa datos ng Internal Affairs Sevice (ISAS), nasa 396 PNP personnel ang nagpositibo sa iligal na droga mula July 2016 hanggang September 30, 2019.
Sa nasabing bilang, 378 sa mga kaso ang naresolba na kung saan ang mga sangkot ay nasibak na sa serbisyo.
Lima naman ang namatay na bago madesisyunan ang kaso.
Walong kaso rin ng non-uniformed personnel ang naipasa na sa Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) habang ang natitirang limang kaso ay nananatiling pending.
Samantala, inihayag naman ni PNP IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo na sa ngayon ay mayroon silang 4,354 total administrative case loads kung saan 3,772 na mga kaso ay naresolba na.
Samantala, isa sa mga tinitingnan din ngayon ni PNP OIC Lt Gen. Archie Gamboa ay ang reorganization ng IAS kung saan nais nito na mga sibilyan na ang magmando sa nasabing opisina ng sa gayon mawala na ang pagdududa ng publiko laban sa isinasagawang imbestigasyon laban sa mga rogue cops.
Pinag-aaralan na rin ani Gamboa ang hiling ng IAS na bigyan ito ng Adjudicatory Power at hiwalay na pondo sa ilalim ng General Appropriations Act.
Kasunod nito, ipinauubaya naman na ni Gamboa sa Kongreso ang pagpapasya kung ihihiwalay nito ang IAS sa PNP.