-- Advertisements --
Mula sa 1,301 kahapon, nasa 1,085 lamang ngayong araw ng Linggo ang bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID) sa bansa.
Sa tala ng Department of Health (DOH) kaninang alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 449,400 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.
Pinakamarami sa mga bagong COVID cases ay mula sa Quezon City na may 103, sunod ang Rizal na may 46, Makati na may 44, Manila na may 43, at Pasig na may 39.
Sa ilalim naman ng lingguhang “Oplan Recovery,” inulat ng DOH ang 9,269 na bagong recoveries kung saan nasa 418,687 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.
Nasa 8,733 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi, ngunit tatlo lamang ang mga namatay ngayong araw, na sinasabing pinakamababang death toll record mula nitong July 21.