-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Patuloy na tinutulungan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)-Cordillera ang mga overseas Filipino workers (OFW) na nagnanais makauwi ng bansa kasabay ng nararanasang pandemya.

Ayon sa OWWA, aabot na sa 4, 592 OFWs ang nakauwi sa Cordillera Administrative Region mula noong Mayo.

Inihayag ng ahensya na mula sa nasabing bilang ay 46 ang nagpositibo sa COVID-19, kung saan 45 sa mga ito ang gumaling na habang nagpapagaling pa ang isa.

Batay sa talaan ng OWWA-Cordillera, nakapagtala ang Baguio City ng 1,751 na returning OFWs, Benguet na 1,033, Abra na 683, Ifugao na mayroong 371, Kalinga na 349, Mountain Province na 213 at Apayao na 192 for a total of 4,592.

Namahagi ang OWWA ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong OFWs sa pamamagitan ng Abot Kamay Ang Pagtulong o Akap.