Apektado ang kabuuang 469 pamilya sa Cordillera Administrative Region matapos ang pagdaan ng bagyong Kristine sa naturang rehiyon ngayong araw.
Ito ay binubuo ng 1,568 na indibidwal.
Unang nag-landfall ang naturang bagyo sa probinsya ng Isabela at tinahak ang kabundukan ng Cordillera dala ang pagbugsong aabot sa 160 kilometers per hour (kph).
Ayon sa Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (CRDRRMC) Response and Early Recovery Pillar, kabuuang 352 pamilya na ang inilikas sa iba’t-ibang lugar – 225 sa kanila ay nasa mga evacuation center habang 127 ang pansamantalang nakikitira sa kanilang mga kakilala at kamag-anak.
Mayroon na ring tatlumpu’t isang kabahayan ang natukoy na bahagyang nasira, batay sa initial evaluation.
Ayon pa sa RDRRMC – CAR, maraming bahagi ng Cordillera ang tuloy-tuloy na nakakaranas ng mabigat na pag-ulan bago pa man dumaan ang bagyo sa naturang rehiyon.