Umabot na sa halos apat na milyong mga kabataang ang nakinabang sa nagpapatuloy na supplementary feeding program ng pamahalaan.
Ito ay simula ilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasabing programa mula 2021 hanggang nitong Hunyo-30 ng taong kasalukuyan.
Ayon sa DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang pagpapatuloy ng nasabing programa ay isa sa mga pangunahing kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bahagi nito ay ang pagbibigay ng mga masusustansiyang pagkain sa mga kabataan na naka-enroll sa mga Day Care Centers at mga Supervised Neighborhood Play.
Ayon pa sa kalihim, makakatulong ang supplemental feeding para mapababa ang bilang ng mga batang kabilang sa malnurished groups, at matiyak ang kalusugan ng mga ito.
Kasama ng DSWD ang mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng nasabing programa.