-- Advertisements --

Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) nasa mahigit 4,784 pasahero ang naiulat na stranded dahil sa sama ng panahon dulot ng Super Typhoon Pepito.

Batay sa Maritime Safety Advisory na inilabas ngayong umaga tinukoy ng PCG ang mga apektadong lugar gaya ng Southern Tagalog, Eastern Visayas, Bicol, Central Visayas at Western Visayas.

Bukod sa mga pasahero nasa 27 na mga barko, walong motorbancas at 1,940 rolling cargoes ang naistranded.

Ayon sa PCG nasa 314 sea vessels at 218 motorbancas ang sumilong din dahil sa sama ng panahon.