Iniulat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nakapaglabas ito ng P33.9 million na tulong medikal sa kabuuang 4,949 na kwalipikadong benepisyaryo sa buong bansa mula Enero 16 hanggang Enero 20.
Sa pagbanggit sa pinakahuling datos nito, sinabi ng ahensya na ang mga pondo ay inilabas sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng Medical Access Program (MAP)
Kabilang sa mga benepisyaryo ang 654 indigents mula sa National Capital Region na nakatanggap ng P7.7 milyong halaga ng tulong; 965 mula sa Northern at Central Luzon na binigyan ng P7.6 milyon; at 1,271 mula sa Southern Tagalog at Bicol Region na nakatanggap ng 6.2 milyon.
Sa Visayas, 984 na indibidwal ang nabigyan ng 6.1 milyon na tulong medikal habang 1,075 na indibidwal ang nakatanggap ng P5.7 milyon sa Mindanao.
Kaugnay niyan, ang Medical Access Program (MAP), na dating kilala bilang Individual Medical Assistance Program, ay idinisenyo upang dagdagan ang tulong medikal para sa mga mahihirap na Pilipino, partikular na para sa pagkakulong sa ospital, chemotherapy at dialysis.
Una rito, ang programa ay pinondohan ng mga kita mula sa mga laro ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa buong bansa.