-- Advertisements --
Nagpakalat na ang Philippine National Police (PNP) ng nasa 4,900 na kapulisan sa Region 2, 3 Calabarzon at Region 5.
Maliban pa raw ito sa una nang nakadeploy na halos 5,000 sa mga lugar na inaasahang tatamaan ng bagyo, ayon kay PNP PIO Chief PBGen. Jean Fajardo.
Nakahanda na rin daw ang nasa 3,500 na Reserved Standby Forces na handang i-deploy sakaling kailanganin ng dagdag na pwersa.
Sa datos ng PNP, 30,089 na indibidwal na nailikas sa Region 2 o katumbas ng nasa 8,890 na pamilya.
Pansamantalang nanunuluyan muna ang mga ito sa nasa 219 evacuation centers sa nasabing rehiyon.