Sumampa na sa halos kalahating milyon ang inaresto ng PNP Joint Task Covid Shield na mga indibidwal dahil sa paglabag sa community quarantine protocols.
Sa datos na inilabas ng JTF Covid Shield nasa 83,890 ang released for regular filing; 32,289 ang kasalukuyang nakakulong at na-inquest na sa korte; 164,569 naman ang pinagmulta habang nasa 169,781 ang binigyan ng babala.
Ayon kay JTF Covid shield commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang nasabing datos ay sa loob ng 205 days simula nang ipatupad ang community quarantine mula March 17, 2020 hanggang October 7, 2020.
Patuloy naman bumababa ang mga naitatalang krimen sa buong bansa partikular ang tinagurfiang walong focus crimes gaya ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, therft, carnapping.
Sa kabilang dako, naniniwala si Eleazar na malaking tulong ang libreng facemask program ng DSWD para mabawasan ang mga quarantine violators.
Ayon kay Eleazar, malimit kasing idahilan ng mga nahuhuling walang facemask na wala silang pambili.
Kaya inatasan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang DSWD na makipagtulungan sa mga iba pang ahensya ng gubyerno para mamahagi ng libreng Face masks sa mga mamayan.
Ayon kay Eleazar, karamihan sa mga mamayan ay tumutupad sa minimum Health protocol na pagsusuot ng facemask, at maaring mabawasan ang mga violators ngayon wala na silang dahilan para hindi mag-facemask.