-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Pumalo na sa halos 50 ang nasawi dahil sa Covid-19 habang umabot na sa mahigit 1,000 ng Virus sa buong Nueva Vizcaya.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Provincial Health Office ng Nueva Vizcaya, nakapagtala kahapon ang lalawigan ng 64 na gumaling, 12 ang bagong kaso habang 2 ang naidagdag sa mga nasawi.
Sa ngayon ay 1,232 na ang tinamaan ng Virus sa lalawigan, 237 ang aktibong kaso, 947 ang gumaling at apatnapu’t walo ang COVID-19 related death.
Sa kasalukuyan ay kabilang ang Nueva Vizcaya sa mga lalawigan na nasa ilalim ng General Community Quarantine o GCQ.