CAUAYAN CITY- Umakyat na sa 49 ang bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID 19 cases na nasa pangangalaga ng Cagayan Valley Medical Center ( CVMC).
Maliban pa ito 22 suspected cases na patuloy na nilang binabantayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Glenn Matthew Baggao ang medical center chief ng Cagayan Valley Medical Center, sinabi niya na 14 sa nasabing bilang ay mula sa Lalawigan ng Cagayan, at 13 sa Isabela.
Sa kabila ng tumaas ang bilang ng mga pasyenteng kasalukuyang naka-admit sa CVMC ay wala sa kanila ang nasa critical o severe cases.
Samantala muling nakapagtala ng mortality ang CVMC na kinabibilangan ng isang 73 anyos na babaeng may multiple comorbidities na may referral mula sa San antonio Hospital sa Lunsod ng Ilagan.
Ang nasabing pasyente ay na stroke o may Cerebro Vascular accident at nasa Kritikal na kondisyon na ng mailipat sa CVMC.
Samantala nagpaliwanag pa ang pamunuan ng CVMC na may mga mortality silang naitatala na walang travel history o exposure sa pasyente apektado ng virus gayunman pinaliwanag niya na madalas maitala ang mga pasyenteng walang travel history na maaring nahawa sa mga asymptomatic COVID-19 patient na hindi nagpapakita ng anumang sintomas.
Mahalaga anya ang wastong pag-aalaga sa sarili at pagpapanatili ng isa o higit pang metro ng distansiya upang matiyak ang kaligtasan mula sa virus pangunahin na sa mga carriers na hindi nagpapakita ng sintomas o mga Asymptomatic.
Kaugnay, nito ay natutuwa si Dr. Baggao dahil sa patuloy na dedikasiyon ng kanilang mga health workers sa trabaho at pagtugon sa COVID 19 sa kabila ng mga hirap at pagod na kanilang kinakaharap dahil maliban sa pagod sa tuloy tuloy na pagtratrabaho ay hindi rin nakakauwi sa kani kanilang mga pamilya ang mga health workers ng CVMC.