-- Advertisements --
Nananatili pa rin sa mga evaucation center ang marami sa mga pamilya na apektado ng pananalasa ng Bagyong Auring.
Sa datos ng NDRRMC ngayong umaga, 12, 825 na mga pamilya o katumbas ng 49, 236 na indibidwal ang nanunuluyan pan rin pansamantala sa 308 evacuation center.
Nasa 450 pamilya o katumbas ng 1,720 indibidwal naman ang nanunuluyan pansamantala sa kanilang mga kamag anak at kaibigan.
Mula ito sa mga iba’t ibang lalawigan sa rehiyon ng Central Visayas, Eastern Visayas, Bicol at CARAGA.
Samantala, sinabi pa ng NDRRMC na 179 na mga bahay na ang kabuoang napinsala ng Bagyo.
Maliban dito, 5 pangunahing kalsada at 1 tulay din ang naapektuhan.
Wala namang nabanggit na nasawi o nawawala dahil sa pagbaha na dulot ng masamang panahon.