-- Advertisements --

Umaabot na sa 48 ang mga na-aresto na indibidwal na lumabag sa Commission on Elections (COMELEC) gun ban sa Western Visayas.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Pol. Lt. Col. Arnel Solis, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 6, sinabi nito na karamihan sa nasabing numero ay nahuli sa mga COMELEC checkpoints.

Ayon kay Solis na sa 48, 6 dito ang galing sa Aklan, 3 sa Antique, 1 sa Guimaras, 2 sa Capiz, 8 sa Iloilo Province, 18 sa Negros Occidental, 4 sa Iloilo City at 6 sa Bacolod City.

Lahat ng violators ay nasampahan na rin ng karampatang kaso.