-- Advertisements --

BACOLOD CITY — Umabot sa 48 ang kabuuang successful blood donors sa isinagawang bloodletting activity ng Philippine Red Cross in partnership with Dugong Bombo sa Barangay Alacaygan, EB Magalona, Negros Occidental kaninang umaga.

Ayon kay Glendale Jamile, chief nurse ng EB Magalona Municipal Health Unit, 19-anyos ang pinakabatang successful blood donor habang 58-anyos naman ang pinakamatanda.

Labis naman ang tuwa ni Jamile sa naging resulta ng bloodletting activity dahil marami pa rin ang nakilahok kahit na milling season ngayon.

Samantala, patuloy naman na kinukumbinsi ni Punong Barangay Larry Sumpay ng Barangay Alacaygan ang mga residente sa kanilang lugar na makilahok sa susunod pang mga bloodletting activities sa kanilang barangay.

Aniya, mas makakatulong sila sa mga nangangailangan lalo na sa kanilang mga kabarangay na nangangailangan ng dugo kung marami ang magdo-donate.

Nabatid na nagsasagawa ang Barangay Alacaygan ng bloodletting activity dalawang beses kada taon.