-- Advertisements --

DAVAO CITY – Aabot sa 48 mga buhay na baboy ang hinarang ang hindi pinayagan na makapasok sa lungsod bilang bahagi ng mas hinigpitan na quarantine measures para maiwasan ang African swine flu (ASF).

Ayon kay Maj. Jason Baria, tagapagsalita ng Police Regional Office-XI, ang nasabing mga cargo handlers ay walang maipakitang mga dokumento sa kanilang dalang mga baboy.

Aabot naman sa 20 kilo ng karne ang kinumpiska bilang bahagi ng mas hinigpitan na seguridad.

Sa kasalukuyan, ang maritime personnel ay nagsagawa rin ng coastal at border patrols para i-augment sa land-based quarantine measures laban sa mga kontaminadong animal products sa siyudad.

Mahigpit din ang ipinatupad na monitoring sa Francisco Bangoy International Airport sa pangunguna ng Aviation Security Group.