-- Advertisements --

Umakyat na sa 46 ang patay matapos masunog ang 13-storey residential building sa Taiwan.

Nasa 377 rescue workers ang nai-deploy sa crime scene para sa rescue operations.

Nasa 41 naman katao ang nagtamo ng mga sunog at sugat sa katawan.

Nagbabala si city’s fire chief Lee Ching-hsiu na maaaring madagdagan pa ang bilang ng mga namatay sa sunog dahil marami ang na-trap sa loob ng residential building.

Aabot naman sa 139 fire trucks at ambulance ang nai-deploy sa area.