CAUAYAN CITY- Naitala sa Isabela 49 na panibagong nagpositibo sa COVID-19 nitong araw ng Biyernes, October 16, 2020.
Sa nasabing bilang ay 38 ang mula sa Ilagan City, 5 sa Cauayan City , tig-2 sa mga bayan ng Gamu at Cordon habang tig-iisa naman sa Santiago City at bayan ng Jones.
Dahil dito, batay sa pinakahuling talaan ng Integrated Provincial Health Office, umabot na sa 387 ang aktibong kaso sa lalawigan.
Apat dito ang returning overseas filipinos, 40 ang locally stranded individuals, 32 ang healthworkers a 311 ang nahawa dahil sa local transmission at community transmission.
Mayroon namang naitala ang lalawigan na 24 recoveries.
Labing- dalawa naman ang namatay sa Isabela kabilang ang isang nasawi sa Santiago City
Sa pinakahuling talaan ng DOH region 2 kahapon ay umakyat na sa 1,023 ang confirmed COVID-19 positive sa Isabela at hindi pa kasama rito ang 49 na panibagong kaso na naitala.