-- Advertisements --
Aabot sa 50 katao ang nasugatan matapos ang banggaan ng tatlong utility bus sa EDSA, Balintawak.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nakatulog umano ang driver ng bus na tumama sa barrier na nagresulta sa pagbangga pa sa dalawang bus.
Agad na dinala sa pagamutan ang mga sugatang pasahero ng nasabing mga bus.
Nagbunsod naman sa bahagyang pagsikip ng trapiko sa lugar dahil sa nasabing aksidente.