-- Advertisements --
Israel stampede 1

Nauwi sa malagim na trahedya ang isa sanang masayang pagdiriwang ng taunang Lag B’Omer religious festival sa bansang Israel matapos ang nangyaring stampede na ikinasawi ng tinatayang 44 katao.

Nangyari ito hatinggabi ng Huwebes sa Israel.

Kinumpirma ng opisyal ng National Emergency service Magen David Adom (MDA) ng Israel na marami ang mga nasawi subalit tumanggi munang magbigay ng detalye sa eksaktong bilang ng casualties at marami ang naitalang nasugatan sa insidente.

Sinasabing mahigit din sa 100 ang mga sugatan.

Base sa pagtataya ng mga organizer nasa 100,000 pilgrims ang nagtipon-tipon sa taunang religious festival

Ang pagdaraos ng Lag O’Omer festival sa paanan ng Mount Meron ang siyang pinakamalaking pagtitipon na isinagawa sa naturang bansa mula nang magkaroon ng pandemya.

Noong nakaraang taon, ipinagbawal ang taunang selebrasyon dahil sa banta ng pagkakahawa ng deadly virus ngunit dahil sa matagumpay na vaccination program ng bansang Israel na itinuturing na isa sa pinakamabilis sa buong mundo, pinayagan ang pagluluwag sa ibang mga restrictions sa nakalipas na buwan.

Niluwagan na rin ang patakaran sa pagsuot ng face mask.

Lumalabas ngayon na ang nabanggit na religious event ang isa sa pinaka-worst peacetime tragedies sa kasaysayan ng Israel upang pantayan pa ang nangyaring death toll sa naganap namang 2010 Mount Carmel forest fire.